I feel like this is the kind of content I have to justify.
- I was riding the MRT on the way to ASMPH when I saw the quoted verse. I stopped breathing for maybe three hours, as you do when confronted with especially beautiful poetry.
- In elementary –and I’ve never told anyone this story, so no one knows except for everyone who was there–, there used to be a girl who’d “confess” daily to me. Fourth grade basically marked my ongoing career in unrequited and asymmetrical relationships (
lol). Anyway, the attention was uncomfortable for a straight-laced, President-type and then-heterosexual girl like me. I used to scorn her repeatedly. And I remember clearly (though in hindsight this may just be a manufactured memory) a classmate telling me that one day I’ll miss the attention once it’s gone. I suppose I did miss it months later, in my own way.
lumingon ako sa loob ng metro lumingon ako sa loob ng metro, at aking nabasa: “Nang mawala ka sa akin, ikaw at ako’y nawalan: Ako dahil ikaw ang minahal ko nang lubusan At ikaw dahil ako ang sa iyo’y lubusang nagmahal. Ngunit sa dalawa ay ikaw ang higit na nawalan: Dahil pwede kong mahalin ang iba tulad nang pagmamahal ko sa iyo Ngunit ika’y ‘di mamahalin tulad nang kung paano kita minahal” ‘Yan ang huling tula na ibinato ng taong unang nagmahal sa aking walang kwentang puso. Tumawa lang ako, at siya’y sabay nawala; Sapagkat ang kabataan ng isang tulad ko’y naiiba, At walang metro ang makasusukat sa aking naging kawalang bahala sa pusong aking iniwang durog-durog at sadyang nangungulila. Ngayo’y tanging ang pusong naiwan at nawalan na ng pag-asa ang makaiintindi. At ang linaw ng panahon ang siya na ring nagsasabi ng katotohanan: Na ang pag-ibig na sadyang pinakupas ay matalas pa rin; Na ang pag-ibig na pilit iniwan ay ‘tuloy na hahanap-hanapin; Na ang pag-ibig na nawala ay hindi na naibabalik. (Ang pag-ibig na nawala ay hindi na maibabalik.)
Sinong niloloko ko? Hindi nawala ang pag-ibig. Ito’y itinapon, sinunog, at ginahasa; Sinagasaan pa at finlush sa kubeta; Binasag, inalipin, at pinakain sa kapitbahay; Pinaiyak ng dugo, at magdamag na inaway. At walang awang nangguho ng mga pangarap na aming dala-dala; Habang ibinuhos pa ang galit at lahat ng mga alaala. Dalawang tao sa pag-ibig: isang nagmahal at isang minahal. Hindi nawala ang pag-ibig. mula norte hanggang taft, muling ibinalik, ikaw at ako: Dalawang tao sa pag-ibig: isang nagmamahal at isang minamahal. Hindi nga ba at kami’y naligo sa saya, at lumanghap ng ligaya sa isa’t isa? Nang una kaming magkita’y sinabi niyang ako ay kakaiba; At sabay binigyan niya ng bagong kahulugan ang lahat ng mga talinghaga: ang langit, ang lupa, pati na rin ang mga tala. Tinuruan niya ang aking nga kamay na humawak ng iba, At binigyan niya pa ako ng pagnanais sa mga simpleng diwa. Sa kanyang mga ngiti, ang katahimikan ko’y naging payapa na. Noong kami’y mga bata pa. At sumunod sa kanyang yapak, ay kalawakan ng mga salitang tuyo’t tahimik sa gawa, Mga ngiting walang kilig, at mga kamay na walang sigla. Ang katahimikan ko’y naging isang katahimikan muli; Naghahanap ng kaligahayan sa kahit anong mga saglit. Hinihintay ko pa ang pag-ibig na parehong katulad at iba; Ngayong ako’y isang mas matandang bata na.
at sa pagbaba ng estasyon: Hinarap ang kalagayan, Na ang pag-ibig na ‘yon ay wala na, at nawala na ako sa katotohanan: Na ang ating pag-ibig ay nanggaling sa lumipas at tinibak na daanan, At sa darating na tagpo’y wala ng pagkikitaan; Na ang isang pag-ibig ay may mga sariling pasakit, At sa pag-ikot ng mundo ay walang katulad at kapalit. At sa huli, sa dulo, ng aking pagbalik: Ang paniniwalang may pag-ibig pa na sa iyo’y hihigit. /lumingon ako (jari monteagudo *Ang kasamang tula ay isinulat ni Ernesto Cardenal sa wikang Español. Posible itong mabasa sa loob ng tren, bilang kasama ng mga ‘Berso sa Metro’.
The featured photo isn’t mine! It’s Rappler’s.
I don’t think I can justify this poem with an English translation (honestly, how do translators do it?). The rhyme and rhythm will be lost.
I posted this poem in Twitter before. Follow me on Twitter! (x)
Thank you for reading!
xxx This has been a scheduled post :) By the time I post this, I should be on my way to Laguna!