Isa sa pinakamahalagang sandali sa buhay mag-ina ang unang yakap. Ano nga ba ang UNANG YAKAP?🤱❤
Ang Unang Yakap o “Essential Intrapartum and Newborn Care” ay isang programang may layuning palakasin ang kalusugan ng bagong panganak na sanggol at ng kaniyang ina. Ang programang ito ay nakabatay sa ebidensya’t pagsusuri. Sinusuportahan ito ng Department of Health (Philippines), World Health Organization (WHO), at iba pang mga kilalang institusyon. 🏥
Kahit sa ospital o sa bahay man ang panganganak, may kasamang doktor o midwife, natural na delivery o cesarean, ang bawat mag-ina ay may karapatang makamtan ang mga magandang benipisyo ng Unang Yakap. Kasama rito ang pagbaba ng posibilidad na magkasakit ang sanggol, ang pagbilis ng matagumpay na pagpapasuso, at ang pagbuti ng relasyon ng mag-ina. 👶💪
Tanungin ang inyong doktor o midwife kung ano ang plano para sa unang yakap ninyong mag-ina. 🤰 Pahalagahan ang inyong kalusugan!
What is UNANG YAKAP? 🤱❤
“Unang Yakap” or Essential Intrapartum and Newborn Care (EINC) is a program that aims to improve the health of both the mother and the newborn child. This evidence-based program is supported by the DOH, WHO, and other health institutions. 🏥
Whether it’s a hospital or home birth, with a physician or a midwife, through natural delivery or cesarean section, every mother and child deserves the right to receive the good benefits of the Unang Yakap program. These benefits include reducing the risk of disease in the newborn, facilitating the success of breastfeeding, and improving the relationship between mother and child. 👶💪
Ask your doctor or midwife about the plans for your first embrace as mother and child.🤰 Take control of your own health!
Adapted from the Department of Health EINC materials










What is Unang Yakap?
The immediate and thorough drying of the baby within the first 30 seconds of life stimulates breathing, prevents hypothermia, and prevents infection and other complications.
The next step, immediate and sustained skin-to-skin contact of mother and child facilitates mother-baby bonding, aids in breastfeeding success, enhances the baby’s immunity, and provides adequate warmth.
Clamping and cutting of the cord within 1 to 3 minutes after delivery improves the baby’s circulation and reduces the risk of anemia.
The last step is non-separation and breastfeeding initiation. This promotes successful breastfeeding, improves mother-baby bonding, and provides adequate nutrition for the baby.
—
Ang agaran at masinsinang pagpunas sa bagong silang na sanggol sa loob ng 30 segundo ay nagpapasigla sa paghinga, nagpapanatili sa angkop na temperatura ng sanggol, at nagpapababa ng tiyansa ng impeksyon at ibang komplikasyon.
Ang susunod na bahagi ng Unang Yakap ay ang agaran at tuloy-tuloy na paglapat ng sanggol sa nanay nang balat-sa-balat. Pinapabuti nito ang relasyon ng mag-ina, tumutulong sa matagumpay na pagpapasuso, pinapalakas ang resistensya ng sanggol, at pinapanatili ang angkop na temperatura ng bata.
Ang pagputol ng talimpusod sa loob ng 1 hanggang 3 minuto ay nagpapabuti sa sirkulasyon ng sanggol at nagpapababa ng tiyansa na magkaroon ng anemia o tinatawag na kulang sa dugo.
Ang huling bahagi ay ang non-separation at breastfeeding initiation. Pinapabuti nito ang relasyon ng mag-ina, pinapabilis ang matagumpay na pagpapasuso, at nagbibigay ng sapat na sustansya sa sanggol.
Paano ang mabuting pag-alaga kay baby?
Maraming mga kinaugalian ang napatunayang mas maraming posibilidad ng kapahamakan kumpara sa posibilidad ng benepisyo.
Hindi na inirerekomenda ang pag-suction ng ilong at bibig ng sanggol nang walang indikasyon, ang paglapat ng sanggol sa ibabaw ng basa o malamig na mesa, ang footprinting pagkapanganak, ang pagligo sa loob ng unang anim na oras ng buhay, at ang pagtanggal sa vernix caseosa o puting nakapalibot sa balat ng sangol.
Hindi rin inirerekomenda ang paghiwalay ng sanggol mula sa ina nang hindi kinakailangan, para sa pagtimbang, pagbigay ng bakuna, at iba pang gawain.
—
For many of these newborn care practices, the risks have been shown to outweigh the benefits.
It is no longer recommended to suction the baby’s nose and mouth without any indication, to place the baby on a cold or wet surface, to do footprinting at birth, to bathe the baby earlier than 6 hours of life, and to wipe the white substance coating the baby’s skin.
It is also not recommended to do any unnecessary separation of the newborn for weighing, vaccine administration, and other procedures.
Back to page: For Patients and Partners in Care