“I got bit by a dog. What do I do next?”
RABIES is a 100% vaccine-preventable disease. Unfortunately, tens of thousands of people still die of rabies each year due to a lack in immediate and adequate treatment.
This #WorldRabiesDay, it’s important to remember and share what to do in case an animal bites, scratches or licks you! 🐶🐱🦇
➡️ STEP 1 is local wound care. Wash the wound with soap and water for at least 10 minutes.
➡️ STEP 2 is seek immediate consult within 24 to 48 hours of exposure. There is a critical time period to prevent the further spread of the virus in the body.
COMMON MYTHS AND MISCONCEPTIONS
Myth #1: Only stray, unvaccinated dogs can cause rabies.
While rabies in the Philippines is most commonly caused by bites from stray, unvaccinated dogs, the rabies virus can also be transmitted by pet animals, cats, bats, and other wild animals.
Myth #2: An animal needs to bite you to transmit the disease.
While the most common mode of infection would be bites from infected animals, rabies can also be transmitted through the contamination of intact mucosa with saliva of the infected animal, through licks on broken skin, and through inhalation of the aerosolized virus in closed areas like caves.
Myth #3: I should make the wound bleed out so that the virus does not enter my body.
Do not make your wound bleed even more! This can increase the risk for infection and poor wound healing, and can even help the virus spread further.
Never hesitate to go to a doctor within 24-48 hours after possible exposure to the virus. Help prevent the spread of rabies!
“Kinagat ako ng aso. Ano ang dapat kong gawin?”
Ang administrasyon ng bakuna ay nakakapigil sa pagtuloy ng sakit na RABIES. Sa kasamaang palad, libo-libong katao pa rin ang namamatay kada taon dahil sa kakulangan sa agaran at tamang pangangalaga sa sugat na posibleng pinasukan ng virus.
Ngayong World Rabies Day, mahalagang tandaan at ibahagi ang dapat gawin kung may hayop na kumagat, kumalmot o dumila sa katawan! 🐶🐱🦇
➡️ STEP 1 ay tamang pangangalaga ng sugat. Hugasan ang sugat gamit ang tubig at sabon nang hindi kukulang sa 10 minuto.
➡️ STEP 2 ay ang agarang pagkonsulta sa doktor sa loob ng 24 hanggang 48 na oras. Mayroong kritikal na panahon kung saan maaring mapigilan ang pagkalat ng virus sa katawan.
COMMON MYTHS AND MISCONCEPTIONS
Myth #1: Ang rabies ay nanggagaling lamang sa mga asong kalye.
Bagaman ang rabies sa Pilipinas ay pinakamadalas na nanggagaling sa kagat mula sa mga asong kalye na walang bakuna, maari ring makuha ang rabies virus mula sa mga alagang hayop, pusa, paniki, at iba pang hayop-gubat.
Myth #2: Kailangan kang kagatin ng isang hayop para mailipat ang virus.
Kahit na ang pinakakaraniwang paraan ng paglipat ng virus ay sa pamamagitan ng kagat mula sa hayop na may rabies, ang virus na ito ay maari ring malipat sa pamamamagitan ng kontaminasyon sa mucosa ng tao (tulad ng sa mata o sa bibig) ng laway ng hayop, pagdila ng hayop sa balat na may sugat, at paghinga ng hangin na may dinadalang virus, lalo na sa loob ng mga kweba.
Myth #3: Dapat paduguin ang sugat para hindi kumalat ang virus sa loob ng katawan.
Huwag lalong paduguin ang inyong sugat! Dadagdagan nito ang tiyansa na magkaroon ng impeksyon at pangit na paghilom. Maari rin nitong tulungan ang virus na mas lalong kumalat sa loob ng katawan.
Huwag mag-atubiling kumonsulta sa doktor sa loob ng 24-48 oras pagkatapos ang posibleng pagkuha ng virus. Sumama sa pagkilos laban sa lalong pagkalat ng rabies!
ADAPTED FROM National Rabies Prevention and Control Program – 2019 Manual of Procedures by the Department of Health (Philippines)




The symptoms of rabies usually appear 1 to 3 months after the wound or exposure. By this time, rabies is very difficult to manage and almost 100% fatal. Around 200 to 300 Filipinos die of rabies each year according to the DOH. This is why emphasis is put on prevention and vaccination.
Join the fight to prevent rabies this #WorldRabiesDay2020!
Ang mga sintomas ng rabies ay madalas lumilitaw 1 hanggang 3 buwan pagkatapos ng sugat kung saan nakuha ang rabies virus. Pagdating ng panahon na iyon, ang sakit na rabies ay halos 100% na nakamamatay. Nasa 200 hanggang 300 na Pilipino ang namamatay dahil sa sakit na rabies kada taon ayon sa DOH. Ito ang dahilan kung bakit binibigyang kahalagahan ang pag-iwas sa rabies at ang pagbakuna.
Makisama sa #WorldRabiesDay!
Back to page: For Patients and Partners in Care